NEWS UPDATES

3 patay 1 kritikal sa banggaan ng tricycle at motorsiklo

(Pigcawayan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Tatlo ang nasawi habang isa ang nasa malubhang kalagayan ng bumangga ang kanilang sinasakyan na motorsiklo sa isang traysikel sa Brgy Crossing Baguier, Pigcawayan, North Cotabato dakong alas 11:10 ng umaga kanina.

kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Zainal Wahid, Watari Aliman at Ador Macapeges, habang sugatan naman at nasa kritikal na kondisyon si Guiara Omal, mga residente ng Brgy Kabasalan, Pikit, North Cotabato.



Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang mga biktima sa isang kulay asul na Bajaj Kawasaki na motorsiklo na walang plaka patungo sa lungsod ng Cotabato ngunit pagsapit nito sa nasabing lugar ay bumangga ito sa kasalubong na pampasaherong traysikel.

Dahil sa bilis ng takbo ng motorsiklo lumipad ito ng tumama sa traysikel at binangga pa nito ang nakaparadang ten wheeler cargo truck.


Agad isinugod ang mga biktima sa Midsayap Community Hospital ngunit tatlo nito ang binawian ng buhay at isa ang malubhang nasugatan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.(Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento