NEWS UPDATES

200K Pabuya ni Mayor Herlo Guzman Jr., sa makapagturo sa mga responsable sa pambobomba sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Nakahandang magbigay si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa simumang makapagturo sa mga responsable sa mga pambobomba sa bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyal ang nasabing hakbang matapos ang pagkakarekober na naman ng panibagong pampasabog na isang granada na 40mm sa bahagi ng Purok Krislam, Kabacan, Cotabato alas 6:10 kahapon ng umaga. 
                                                                                                                                         Ayon kay PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nakita ang nasabing pampasabog habang nagsasagawa ng pagpapatrol ang mga elemento ng Kabacan PNP, mga sundalo at ng EOD team.                      
         
Ang lugar kungsaan narekober ang nasabing pampasabog ay tinaguriang “Drug den” sa Kabacan.                                                       
         
Ang pagkakarekober ng 40mm na granada ay dalawang araw matapos na sumabog din ang bala ng grenade launcher sa bubong ng Comelec Office na nagresulta sa pagkakasira ng kisame ng opisina.                                
         
Di naman sumabog ang nasabing granada na ngayon ay nasa pag-iingat na ng Kabacan PNP at ng EOD team.

Matatandaan na ngayong araw ay magsisimula na ang ilang mga aktibidad ng ika-66th na taong pagkakatatag ng Kabacan dahilan kung bakit hinigpitan ang seguridad sa bayan ng Kabacan.                                              

Nabatid na nasa Municipal hall namalagi si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ng mangyari ang insedente.                                                     

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ngmga otoridad kung may kaugnayan ang narekober na Granada sa mga magkakasunod na pagsabog sa Kabacan. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento