NEWS UPDATES

VAWC cases, di maaring i-areglo ng tanggapan ng MSWDO

(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2013) ---Matapos ang balitang bumaba ang kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC sa bayan ng Kabacan.

Iginiit naman ni Social Welfare Officer Susan Macalipat sa DXVL News na ang nasabing kaso ay di maaring i-areglo.

Maliban na lamang kung sa lebel ng mga nagrereklamo ay gusto na nilang resolbahin ang gusot.

Halimbawa sa mga nag-aaway na mag-asawa dapat munang pakinggan ang bawat isa at mag-usapan nila ito.

Sinabi pa ng opisyal na may karapatan ang mga kababaihan at di dapat sinasaktan at inaabuso ang mga ito.

Mawawala din umano ang respeto ng mga anak sa kanilang magulang kung sinasaktan at paulit ulit na inaabuso lalo na ng mga mister ang kanilang Misis.

Sinabi ni Macalipat na hindi na umano ito magmamahal kung pagbubuhatan na ng kamay ng lalaki ang isang babae.


Iginiit pa nito na ang pag-aasawa ay dapat na i-nurture. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento