NEWS UPDATES

Tensiyon sa isang brgy sa Tulunan, North Cotabato; walang kinalaman sa tri-boundary dispute sa lugar

(Tulunan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Iginiit ngayon ng Pambansang Pulisya sa Tulunan, North Cotabato na walang kinalaman ang nangyaring palitan ng putok sa pinag-aawayang lupa sa Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan.

Ito ang kinumpirma ni PCInsp. Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP makaraang naging tensyunado ang brgy. Dungos matapos na inatake ng armadong grupo ang nasabinbg lugar alas 10:30 kagabi.

Ayon sa opisyal ang nangyaring palitan ng putok ay posibleng selos sa trabaho ng mga security guards at ng pamunuan ng RNF Banana Plantation.

Agad namang umatras ang mga pangkat ng armado ng rumesponde sa lugar ang mga otoridad.

Wala namang may napaulat na nasugatan o nasawi sa nasabing insedente.

Matatandaan na ang bayan ng Tulunan ay nalagay sa kontrobersiya kamakailan matapos ang land dispute ng tatlongmga lalawigan na nakapalibot sa lugar kung saan ikinasawi ng isang armadong magsasaka at ikinasugat ng tatlong Moro Islamic Liberation Front ng muling sumiklab ang labanan sa lugar Sitio Barko-barko.

Sa kasalukuyan, may inilagay ng Joint Task Force Barko-barko para pahupain ang engkwentro sa nasabing lugar. (Rhoderick BeƱez with Ronald Padojinog)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento