NEWS UPDATES

Reward System, isusulong ng Kidapawan PNP

(Kidapawn City/ July 9, 2013) ---Inirekomenda ng hepe ng Kidapawan City PNP na si Supt. Leo Ajero ang reward system sa mga taong makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinarooonan ng mga most wanted person.

Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
Naniniwala si Ajero na hindi magiging epektibo ang kanilang pagkilos kung walang konkreto’ng suporta mula sa mamamayan.

Aniya, nakatakda niya’ng ilatag kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang naturang panukala.

 Si Evangelista  ang siya’ng chairperson ng Kidapawan City Peace and Order Council.

 Ginawa ni Ajero ang rekomendasyon makaraang maibalik sa kulungan ang takas na preso na si Armando Minoza, sa tulong na rin ng isang informant.

Matatandaan na si Ajero ay dati ring hepe ng Kabacan, kungsaan hirap din si Ajero na maresolba ang krimen sa Kabacan dahil sa kawalan ng kooperasyon ng testigo kahit pa man kitang-kita ng mga ito ang nagaganap na krimen sa bayan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento