NEWS UPDATES

NGCP nagkaroon ng Under Frequency, dahilan ng power interruption

(Matalam, North Cotabato/ July 13, 2013) ---Nagkaroon ng under frequency sa system ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, dahilan ng panaka-nakang power interruption.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco General Manager Godofredo Homez matapos na nagpatupad sila ng 4megawatts na load curtailment sa ilang service erya ng Cotelco.


Samantala, iginiit naman ni Homez na ang normal na supply ng kuryente sa kasalukuyan ay hindi tiyak dahil posibleng babalik ang rotational brownout sa buwan ng Agosto, ito dahil sa sasailalim sa preventive maintenance ang ilang mga planta sa Mindanao.

Sa ngayon kasi, nag-ooperate ng maximum capacity ang Agus at Pulangi Hydro plants dahil walang problema sa supply ng tubig at malakas ang daloy ng tubig dahil sa panahon ng tag-ulan.


Samantala, may panawagan naman ang opisyal sa mga member consumer nito na dumalo sa 31st Annual Membership Meeting na gagawin ngayong a-14 ng linggo sa bayan ng Matalam. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento