NEWS UPDATES

Mga sidewalk vendor na wala sa lugar sa Kabacan, tatanggalin

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2013) ---Matapos na mabigyan ng abiso ang mga sidewalk vendor sa bayan ng Kabacan na bawal ang mga ito na magtinda sa National highway.

Aalisin na at babaklasin na ang kanilang mga paninda anumang araw simula ngayon na pamumunuan ng MENRO Kabacan at Kabacan PNP batay sa direktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.

Partikular na aalisin ang mga ito sa harap ng Pilot Elementary School, mga nagtitinda sa gilid ng Diego Silang St., na naging dahilan ng pagkakabara ng mga kanal.

Matatandaan na isa sa mga problema ng Kabacan noon ay ang pagbaha sa Poblacion dahil sa mga baradong kanal.

Sa ngayon, lilinisin na ito ng MENRO, aalisin ang mga plastic at mga cellophane na nakakabara sa mga kanal. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento