NEWS UPDATES

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan, tumaas sa ikalawang Quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Halos lahat ng barangay sa bayan ng Kabacan ay apektado na ng sakit na dengue.

Ito ang lumabas sa pinakahuling report ni Disease Surveillance and health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon kungsaan tatlong beses na mas mataas ang kaso ng dengue sa Kabacan ngayong quarter kumpara sa nakaraang tatalong buwan.

Sinabi ni Cabellon na ang brgy. Buluan lang ang walang naiulat na nagkasakit dahil sa dengue.

Batay sa kanilang tala, ang Poblacion pa rin ang may pinakamataas na kaso kungsaan umabot ito ng 76.

Karamihan sa mga nagkakasakit ay mga batang lalaki, edad 11-20-anyos.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang paalala ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr., na paiigtingin ang paglilinis sa loob at labas ng tahanan.

Ipatupad ang 4S campaign ng DOH at ang pakikipag-ugnayan sa mga purok liders na magsagawa ng clean up drive activity. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento