NEWS UPDATES

Kabacan, napiling recipient ng NGO sa paglaban konta malnutrisyon

(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2013) ---Matapos mapabilang sa ikatlong may mataas na malnutrisyon prevalence rate ang bayan ng Kabacan nitong nakaraang taon.

Napili ngayon ang Kabacan na isa sa mga recipient na programa ng Non Government Organization na Moderate Acute Malnutrition Management Partnership for Implementation Localization and Technology Transfer o MAMM PILOT Program.

Ito ang sinabi sa DXVL ni Nutrition Officer Virginia Solomon kungsaan layon nito na pababain ang mataas na kaso ng malnutrisyon sa bayan.

Ang nasabing programa ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan kungsaan bibigyan ng ready to use supplementary food ang mga natukoy na bata.

Sa ngayon nagsasagawa na ng screening ang nutrition office ng LGU sa bawat barangay kungsaan titimbangin ang mga target na bata at dadaan pa sa criteria bago makapasok sa nasabing programa, ayon kay Solomon.

Bukod sa Kabacan, kabilang din ang bayan ng Aleosan, Matalam at Makilala na benepisyaryo ng nasabing programa.

Ang programa ay sailalim ng World Food Program, Save the Children, Provincial Government ng North Cotabato at Pamahalaang Lokal ng Kabacan.


Una dito, nagsagawa na rin ng launching kamakalawa ang Nutrition Office ng Kabacan sa brgy. Malamote para sa buong buwang selebrasyon ng Nutrisyon Month na may temang “Gutom at Malnutrisyon, Sama-sama nating Wakasan”. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento