NEWS UPDATES

Ilang mga opisina ng LGU Kabacan, inilipat

(Kabacan, North Cotabato/ July 3, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pag-sasaayos sa ilang tanggapan ng pamahalaang lokal ng Kabacan matapos na nagkaroon ng lipatan ng opisina.

Ang nasabing hakbang ay batay sa memo 2014-004 na inilabas ng bagong administrasyon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. layon ay para pagbutihin pa ang serbisyong ibinibigay ng LGU Kabacan.

Sa ngayon makikita ang opisina ng alkalde sa ikalawang palapag ng main building ng Municipal hall kasama sa taas ang tanggapan ng Municipal Planning and development Office.

Inilipat naman buhat sa Annex building at ngayon ay nasa 1st floor na ng main building ang opisina ng Budget, accounting, assessors at treasury.

Inuukupa naman ngayon ng Municipal environment and Natural Resources Office ang dating opisina ng treasury.

Inilipat naman sa annex building ang Vice Mayor’s Office, staff, SB at Session hall kasama na ang library.

Sinimulan na rin ng bagong administrasyon ang pagpapatawag ng courtesy call sa lahat ng mga kawani ng pamahalaang lokal at mga government lined agencies. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento