NEWS UPDATES

Dalagita, patay matapos masagasaan ng sasakyan

(Kabacan, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Patay ang 16-anyos na dalagita makaraang masagasaan ng sasakyan sa may roundball ng Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP traffic division ang biktima na si Rihana Gomonsang, 16 at residente ng Batulawan, Pikit, Cotabato.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan, naglalakad umano galing ng bayan ng Pikit ang biktima ng patawid na ito sa bandang round ball ng kayaga ng masagasaan ng kulay puti na Mazda (MFG 659).

Dahil sa lakas ng impact at mga sugat na natamo ng biktima ang naging kung bakit ito binawian ng buhay.

Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ni Vincent Lee Nanini, 21, residente ng Brgy. Dagupan, Kabacan, Cotabato.

Sumuko naman ang suspek na nakabangga sa nasabing dalagita.

Nasa istasyon ng pulisya ngayon ang nasabing sasakyan habang ikinustudi naman ang driver nito habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. (Rhoderick BeƱez/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento