NEWS UPDATES

Dagdag na sasakyan ng Kidapawan City PNP, hiniling dahil sa mataas na kaso ng krimen sa lugar

(Kidapawan City/ July 4, 2013) ---Dahil sa pagtaas ng krimen sa Kidapawan City nakatakdang magkaroon ng karagdagang sasakyan ang Kidapawan City PNP.

Ito ang tugon ni Mayor Joseph Evangelista sa lumalalang kaso ng krimen sa lungsod.

Ang public Safety ay isa sa apat na mga programang tututukan ng bagong administrasyon kabilang din ang suporta sa dekalidad na edukasyon, makamasa na health services at pagpapalakas ng market enterprise na isa sa mga income generating project ng city government.

Samantala, malaking hamon ngayon para sa bagong hepe ng Kidapawan City na si Supt. Leo Ajero ang pagtaas ng kaso ng kriminalidad na naganap sa siyudad.

Ito ay matapos ang pormal na pag-upo ni Ajero bilang bagong Chief of Police ng Kidapawan City PNP.

Kasabay ng kanyang panunungkulan ang pagharap sa mga problema, tulad ng motorcycle theft, snatching, robbery, pamamaril, at ang tila walang katapusang problema sa illegal gambling.

Matatandaang sunod-sunod ang mga krimen na nangyari sa lungsod na karamihan ay hindi pa rin nareresolba na ikinadismaya naman ng iba’t-ibang sektor.

Ayon kay Ajero, nakalatag na umano ang kanilang security plan actions upang mabigyan ng solusyon ang naturang mga problema.

Si Ajero ay dating chief of Police ng Kabacan PNP, kungsaan nanungkulan ito ng walong buwan at inilipat sa Kidapawan nitong Lunes lamang.

Inilagay naman bilang OIC si Police Major Jubernadine Panes, ang deputy chief of Police ng Kabacan PNP. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento