Pero ayon kay Cotelco Manager Engr. Godofredo Homez, mas maikli ang oras na walang supply ng kuryente sa service area.Simula ngayong linggo kasi ay isasailalim sa preventive maintenance ang isa sa mga hydropower plant sa Lanao provinces na may kakayahang magbigay ng 100 megawatts na supply ng koryente sa Mindanao grid.
Ayon kay Homez, mangangahulugan na ang nalalabing supply ng kuryente sa Mindanao ay pantay-pantay na hahatiin ng lahat ng mga electric cooperative sa Mindanao sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines.
Pinakamahaba na brownout, ayon kay Homez, ay dalawang oras kumpara sa halos walong oras noong mga buwan ng Enero hanggang Abril. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento