Batay sa inisyal na report ng Kabacan PNP nasa likurang bahagi umano ng USM Admin Building sumabog ang di pa mabatid na uri ng ekplosibo.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP.
Wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa panibagong pagsabog pero nagdulot ng pinsala sa mga ilang bintana sa likurang bahagi ngnasabing gusali.
Agad namang ikinasa ang security operation sa paligid ng Pamantasan matapos ang nasabing insedente. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento