NEWS UPDATES

USM Faculty House, ninakawan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013) ---Natangay ng mga magnanakaw ang humugit kumulang sa Limang libung cash makaraang ninakawan ang Faculty House na nasa loob ng USM Main campus.

Sa panayam ng DXVL News sa staff ng FA posible umanong dumaan sa likurang bahagi ng pintuan ang di pa nakilalang salarin.

Ang perangnakulimbat ay collection ng Review Center sa ilalim ng pamamahala ng Faculty Association.

Maliban sa cash wala namang mga mahahalagang gamit o dokumento ang nawala sa nasabing tanggapan.

Nangyari ang insedente noong linggo, ayon sa staff ng FA. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento