NEWS UPDATES

Updating ng Handog Pangkalusugan beneficiaries, isasagawa sa PPALMA

(Midsayap, North cotabato/ June 24, 2013) ---Pangungunahan ng First Congressional District Office ang pagsasagawa ng updating sa mga benepisyaryo ng PhilHealth sa ilalim ng Handog Pangkalusugan Program sa unang distrito ng North Cotabato.

Ayon sa sulat na ipinadala ng PhilHealth Regional Office 12 sa opisina ni Rep. Jesus Sacdalan, kailangang kumpletuhin ng mga miyembro ang hinihinging impormasyon at isulat ito sa PhilHealth Membership Registration Form o PMFRs.


Nabatid na abot sa 310 PhilHealth members mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Pikit, Alamada, Libungan, Midsayap, Aleosan o PPALMA area ang dapat sumailalim sa nasabing proseso.

Inihayag ni First Congressional District Office Kalusugan Para sa Kapayapaan Program Focal Person Dominador Aspacio na kailangang ma-dokumento ang kasalukuyang impormasyon ng mga miyembro upang magtuloy- tuloy ang kanilang benepisyo hanggang Disyembre ng taong ito.

Dagdag ni Aspacio, importante ring matukoy ng miyembro ang list of dependents nito.

Sisimulan ang updating ngayong araw at inaasahang matatapos sa susunod na buwan.

Ang nakumpletong membership registration forms ay isusumite naman sa Local Health Insurance Office sa Cotabato City.


Nabatid na ang inisyatibong ito ay bilang pagsuporta sa health agenda ng administrasyong Aquino na makamit ang universal health care sa bansa. (Roderick Bautista)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento