NEWS UPDATES

Mga bagong halal na opisyal sa Midsayap, North Cotabato manunumpa ngayong Hulyo 1

(Midsayap, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Gaganapin ngayong unang araw ng Hulyo ng taong kasalukuyan ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Isasagawa ang aktibidad sa Midsayap Municipal Rooftop, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.


Sa opisyal na programang inilabas ng pamahalaang lokal ng Midsayap, magkakaroon muna ng misa ng pasasalamat bago gawin ang panunumpa ng newly elected municipal officials.

Ang oath taking ay pangungunahan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan.

Huling bahagi ng programa ay ang turn- over ceremony kung saan magbibigay ng kanyang mensahe si outgoing Mayor Manuel Rabara.

Ililipat ni Rabara ang pamumuno sa bayan ng Midsayap kay Mayor- elect Romeo Araṅa.

Samantala, bibigyan din ng plaque of appreciation ang ilang outgoing local officials ng bayan.

Inaasahan naman ang pagdalo ng iba’t- ibang sektor sa nasabing seremonya. (Roderick Bautista)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento