Sa ulat ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Jocson, kinilala ang mga biktima na sina Nor Halim Sumangka, 7; at Arzalin, 5, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang naglalaro ang mag-utol sa likuran ng kanilang bahay nang aksidenteng mahulog sa gilid ng Pulangi River.
Nilamon ng malakas na tubig-baha ang magkapatid at hindi na nagawang mailigtas pa ang ilang residente. Natagpuan ang katawan ng mga biktima matapos lumulutang sa ilog. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento