NEWS UPDATES

BF, inireklamo ng kasintahan matapos manampal

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2013) ---Mangiyak-ngiyak na dumulog sa Kabacan PNP ang isang 19-anyos na BSHRM student ng USM makaraang sinampal ng kanyang nobyo sa mismong boarding House sa Matalam St., Poblacion, Kabacan ala 1:00 kahapon.

Sa report na nakuha ng DXVL News sa Women’s Children and Protection Desk o WCPD sa Kabacan PNP, maliban sa sinampal ang dalaga ay sinira at kinuha pa ng kanyang boyfriend ang Samsung cellphone nito.

Ang nasabing dalaga ay sinamahan ng kanyang apat na kaklase na nagreklamo sa PNP matapos na pagbantaan umano ng ang kanilang kaibigan ng kanyang kasintahan.

Bukod dito, sinabihan pa umano ng lalaki ng mga magagaspang na salita o “bad words” ang girlfriend nito sa kainitan ng kanilang pag-aaway.


Aminado ang dalaga na nagseselos ang boyfriend niya dahilan kung bakit ito nagawa sa kanya. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento