NEWS UPDATES

2 patay sa ambush ng MILF

(Matalam, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Patay ang dalawang magsasaka ng tambangan umano ng mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF habang papauwi ang mga ito sa kanilang bahay sa Matalam, North Cotabato alas 4:25 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ni Army’s 602nd Brigade spokesperson Captain Antonio Bulao ang mga biktima na  sina Toto Manial at Eddie Buisan kapwa residente ng brgy. Marbel.


Sinabi ni Bulao na sakay ang dalawa sa isang motorsiklo ng tambangan ng mga pinaniniwalaang mga kasapi ng MILF sa ilalim ng pamumuno nibaKumander Salonga at Ali Manzur.

Ang ambush ay nangyari 500 metro lamang ang layo mula sa Peacekeeping Forces ng brgy. Marbel.

Angmga biktima ay dead on the spot habang ang bangkay na katawan ni Toto Manial at tinadtad ng mga suspek.

Tinukoy ng opisyal na ang ginawa ng ilang kasapi ng MILF ay tuwirang paglabag sa peace covenant na nilagdaan nila noong Mayo 23 kasama ang MNLF. (Rhoderick BeƱez)