NEWS UPDATES

PCOS Machines, dumating na sa Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 3, 2013) ---Dumating na ngayong hapon sa Commission on Elections o Comelec Kabacan ang mga Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine.

Ang nasabing mga makina ay kinuha sa comelec Provincial Office ala 1:00 ng hapon kanina.

Nanguna sa pagkuha ng nasabing mga PCOS Machine si Kabacan election Officer Josephine Macapas kasama ang mga escort na mga pulis.

Sa ngayon nakalagak ang nasabing makina sa kanilang tanggapan.

Abot sa 58 na mga PCOS ang naka-clustered para sa Kabacan.

Gagawin naman ang testing at sealing ng PCOS Machine sa May 6 araw ng Lunes. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento