NEWS UPDATES

Pagtasa sa datos at wika na ginagamit sa pagtuturo; hinikayat ng OPAPP

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Para maiwasan ang anumang diskriminasyon at pagiging eksklusibo, nais ngayon ng isang mataas na opisyal mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na magsagawa ng ebalwasyon sa mga guro hinggil sa mga datos at wika na kanilang ginagamit.

Ito ang sinabi ni OPAPP Assistant Secretary Jennifer Oreta sa katatapos na kumprehensiya  ng Asia-Pacific Network for International Education and Values Education (APNIEVE) kasabay ng paghikayat sa mga guro na maging kabahagi sa pagtaguyod ng kapayapaan sa kabila ng iba’t-ibang kultura meyron tayo.

Sa kanyang mensahe, iginiit nitong sa pamamagitan ng pagpapalit ng pananaw at paglagot sa mga tanikalang sumisimbolo sa pagkawatak-watak ng bawat isa ay maibsan ang diskriminasyon.

Minsan umano, gumagamit ang ilan ng mga salitang di angkop gamitin na nakakainsulto sa ilang cultural groups.

Tinukoy pa nito na ang paaralan ang may malaking papel na ginagampanan sa multi-culturalism dapat umanong maglalagay din ng silid dalanginan para sa ilang mga relihiyon o sekta.

Bukod dito, dapat din umanong maghanap ng pamamaraan ang isang paaralan na maglagay ng mga halal foods para sa mga kapatid na muslim para sa di na sila mahirapan pang humanap ng mapagkainan.

Hinamon din ni Oreta ang mga guro at ang mga namumuno sa eskwelahan na gumawa ng hakbang hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng sistema ng edukasyon sa bansa. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento