NEWS UPDATES

Mga nagsilikas na mga residente sa Matalam, North Cot; nakabalik na


(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Nakabalik na sa kanilang mga tirahan ang mahigit sa dalawang daang mga pamilya na nagsilikas nitong nakaraang araw matapos na maipit sa naganap na kaguluhan sa Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong hapon.

Sinabi ng opisyal na namagitan sa nasabing kaguluhan ang International Monitoring Team o IMT, CCCH at ng Local Monitoring Team na pinamumunuan ni chairman Jabib Guaibar kungsaan agad namang naresolba ang hidwaan ng dalawang naglalabang grupo ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Matatandaan na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo noong gabi ng Linggo na ikinasawi ng isa katao at nagresulta sa pagkakalikas ng maraming residente sa lugar.

Sa ngayon napagkasunduan na maglagay ng Peace keeping group para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa brgy. Marbel at din a maulit ang nasabing kaguluhan. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento