NEWS UPDATES

Manugang, itinuturong suspek sa pananaksak sa habal-habal driver sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Nagpapagaling ngayon sa Makilala Medical Specialist Center ang isang habal-habal driver matapos saksakin ng mismong manugang nito sa Suarez Subdivision, Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Florentino Famulagan, 35-anyos at ang suspek ay kinilala namang si Camilo Paunil, 68 taong gulang , residente rin ng naturang lugar.

Ayon sa Makilala PNP, naglalaro umano ng kara y cruz ang biktima nang bigla siyang sinaksak sa kanang bahagi ng tiyan ng suspek.

Batay sa report, posibleng matagal ng may alitan ang dalawa.


Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Makilala PNP, habang pinag-iisipan naman ng biktima at pamilya nito ang kung sasampahan ng kaso ang suspek na siya ring manugang ng biktima. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento