NEWS UPDATES

Kick off Activity ng Brigada Eskwela, isinagawa sa Matalam National High School


(Matalam, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Pormal ng nagsimula ang ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Kabacan Pilot Central Elementary School Principal Annie Roliga isinagawa ang Kick off activity sa Matalam National High School.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga heads at superintendent ng Saranggani, Cotabato at Kidapawan Division kasama na ang Tacurong at Sultan Kudarat Division.

Sinabi ni Roliga na layon ng nasabing aktibidad na maihanda ang paaralan na maayos at malinis para sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Kaugnay nito, ilan sa mga napansin nilang dumi sa Kabacan Pilot Central Elementary School ay ang mga nagkalat na Styrofoam na pinagkainan noong nagdaang halalan.

Bukod dito, binaklas din nila ang ilang mga campoaign materials kasama ng Comelec ilang araw matapos ang halalan.

Sa ngayon, inaanyayahan ng Principal ang lahat ng mga Non-government Organization o NGO, LGU, Pulisya at militar kasama na ang mga magulang ng mga batang papasok sa Hunyo na makiisa sa kanilang panawagang malawakang paglilinis sa mga paaralan, partikular sa KPCES hinggil sa Nationwide na pagpapatupad ng Deped ng Brigada Eskwela. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento