NEWS UPDATES

Drayber, arestado dahil sa kasong pamemeke ng dokumento


(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Arestado ang isang 45-anyos na drayber makaraang masangkot sa kasong Falsification of Commercial Document o pamemeke ng dokumento alas 2:00 kahapon.

Nanguna sa pag-aresto si Police Inspector Jubernadin Panes, Deputy chief of Police ng Kabacan PNP sa suspek na kinilalang si Rodulfo Ratilla residente ng Brgy. Dagupan ng bayang ito.


Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Jill Rose S. Jaugan-Lo ng Davao MTC branch.

Nasa kostudiya ng Kabacan PNP ang naturang suspek.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento