NEWS UPDATES

Civil society Groups mula sa North Cotabato, nagsagawa ng kilos protesta hinggil sa dinidemand na dagdag na supply ng kuryente mula sa EDC geothermal Plants


(Kidapawan City/ May 10, 2013) ---Kinilampag ng Civil Society groups mula sa North Cotabato ang pamunuan ng Energy Development Corporation o EDC makaraang nagsagawa ng kilos protesta ang mga ito at nagbarikada sa Mindanao sub-office ng EDC sa Barangay Ilomavis, Kidapawan city kahapon.

Ang panawagan ng grupo ay ibigay na ang 25% load dispatch sa host city at probinsiya.


Ayon kay Karapatan North Cotabato Jay Apiag, isang human rights group, naglagay sila ng human ‘barricades’: sa corner Quezon Boulevard at Sudapin road; at pangalawa sa Barangay Ginatilan; at pangatlo sa Lake Agko sa Barangay Ilomavis malapit lamang sa EDC production field.

Layon umano ng kanilang pagbarikada ay immobilize ang operasyon ng EDC kahapon.

Pero dahil sa walang permit angmga ito, tinaboy sila ng PNP Kidapawan at nauwi pa sa sakitan na ikinasugat ni Apiag.

Kabilang sa mga sumama sa nasabing protesta ay ang Makabayan at iba pang mga civil society groups na suportado ng Kidapawan Power (K-Power), mga alyansang binubuo ng mga nasa sektor ng negosyante, simbahan, academe, NGOs at iba pang institusiyon.

Ayon kay head convener of K-Power Sister Lalyn Macahilo, OND tatlong punto ang kanilang hinihiling sa gobyerno para masolusyunan ang krisis na dinaranas ng Kidaapwan City at ng buong probinsiya ng North Cotabato at ng ilang bahagi ng Mindanao.

Una, dapat n mabigyan ng 25MW ang host city at probinsiya mula sa 100MW na total capacity ng EDC.
Pangalawa, ipahinto ang pribatisasyon ng  power industry ng bansa partikular sa sa natitirang hydro-electric power plants na nasa Agus complex sa Lanao del Sur at Pulangi, Bukidnon.

At pangatlo, nais ng grupo na repasuhin o ibasura ang Energy Power Industry Reform Act na ayon sa kanila ay naging dahilan ng lumalalang problema sa mga kunsumador ng kuryente partikular na ang mataas na bayarin sa keryente na inaalmahan ng mga member consumer. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento