NEWS UPDATES

Single motorcycle vs tricycle; 2 sugatan


(Kabacan, North Cotabato/ April 27, 2013) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang masangkot ang sinasakyan nitong Honda XRM motorcycle sa nangyaring banggan sa Corner Abellera at Miracle St., Pobalcion, Kabacan alas 3:30 kahapon.

Kinilala ni P01 Amor Guillermo ng Kabacan PNP Traffic division ang mga sugatan na sina: Wowie Mamangkas driver ng XRM at ang angkas nitong sina Maira Alamada at Marilyn Salkit na agad namang isinugod sa USM Hospital para mabigyan ng medical na atensyon.

Samantala, kinilala naman ng mga otoridad ang driver ng tricycle na Kawasaki na si Leonard Jhon Jemenes na aksidenteng nakabangga sa nasabing motorsiklo.

Kapwa nagtamo ng di matukoy na ksiraan ang nasabing sasakyan na ngayon ay iniimbestigahan ng Kabacan PNP. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento