NEWS UPDATES

NPA patay sa nangyaring engkwentro sa Magpet, North Cotabato


(Magpet, North Cotabato/ April 18, 2013) ---Patay ang isang kasapi ng New People’s Army sa nangyaring sagupaan ng NPA at militar sa Magpet, North cotabato nitong Lunes.

Kaugnay nito, tumulong na ang International Committee of the Red Cross o ICRC Davao sa pagbaba mula sa bundok at pagdala sa ospital ng mga sugatang miyembro ng NPA sa engkuwentro ng army at NPA sa Barangay Don Panac bayan ng Magpet.

Sinabi ni Civil-Military Operations Officer ng 57th IB ng Phil. Army Lt. Nasrullah Sema, nakipag-ugnayan ang ICRC Davao sa militar para maakyat ang bahagi ng Sitio Pangawahan, Barangay Don Panaca at makuha ang mga sugatan.

Lahat ng mga sugatan ay miyembro ng armadong grupo at dinala sa isang pagamutan sa Davao City, ayon pa kay Sema.

Samantala, nakilala na sa alias na “Joker” ang napaslang na NPA member sa naturang bakbakan.

Ayon sa 57th IB, posibleng hindi taga Barangay Don Panaca si alias “Joker” dahil walang nakakakilala  sa kanya sa nabanggit na lugar. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento