NEWS UPDATES

Mga nakumpiskang illegal na troso, naipamahagi sa ilang mga pampublikong paaralan sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2013) ---Abot sa 1,600 board feet na mga illegal na kahoy ang ipinamahagi sa isang paaralan sa brgy Pedtad kamakalawa.

Ang turn-over ng mga kinumpiskang mga illegal na troso ay pinangunahan ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan na isinagawa sa Kabacan Municipal Police Station.

Ang nasabing mga kahoy ay ipinamahagi sa Madrasa, isang paaralan ngmga muslim sa brgy. Pedtad.

Apribado naman ni Kabacan Mayor George Tan at ni OIC Cenro Ambulo Batugan ang nasabing hakbang.

Matatandaan na ang mga nabanggit na mga illegal na kahoy ay nakumpiska sa Watershed Area sa Brg. Pisan.

Sa ngayon mas pinaigting pa ng MENRO-Kabacan ang aknilang kampanya kontra illegal logging sa mga bulubunduking bahagi ng Kabacan. (Rhoderick BeƱez/DXVL News)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento