NEWS UPDATES

Mga grade 5 Pupils sa Arakan, North Cotabato; isailalim sa Summer Peace Kids Camp ngayong araw



(Arakan, North Cotabato/ April 4, 2013) ---Abot sa higit sa dalawang libung mga mag-aaral ng grade 5 buhat sa iba’t-ibang mga elementary sa Arakan ang inaasahang sasailalim sa tatlong araw na Summer Kids Peace Camp na magsisimula ngayong araw.

Layunin ng programang ito na maturuan ang mga kabataan tungkol sa kapayapaan at respeto sa bawat isa.
 
Magiging bisita sa pagbubukas ng programa si cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Isasailalim ang mga kabataan sa leadership skills training, pagtuturo sa kanila ng pangunang lunas at survival techniques.

Bukod dito, naniniwala ang mga organizer ng kids camp na ang naturang mga practical skills training ay magbibigay  ng dagdag na kaalaman para harapin ang buhay. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento