NEWS UPDATES

Isang Paaralan sa Midsayap, Cotabato; pinasabugan


(Midsayap, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga grupong armado ang isang Paaralan sa bayan ng Midsayap dito sa lalawigan ng Cotabato alas 11:00 kagabi.

Ayon kay North Cotabato PNP Provincial Director SSupt Danilo Peralta na pinaputukan ng bala ng m203 grenade launchers ang Kapinpilan Annex High School sa Brgy Kapinpilan ng nasabing bayan.

Wala namang nasugatan sa pagsabog maliban sa sobrang takot na naramdaman ng mga residente.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Senior Inspector Henry Narciso sa naturang pangyayari. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento