NEWS UPDATES

Ilang mga sasakyan, partikular na ang mga tricycle sa Kabacan; may nakalagay na pol ad kahit bawal sa comelec


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Kahit na ipinagbawal na ng Commission on Elections o COMELEC, marami pa ring mga tricycle driver ang naglalagay ng mga campaign ads sa kanilang sasakyan.

Sa Kabacan, ilan sa mga namataan ng Botohan 2013 Newsteam ng DXVL ay nakalagay sa likurang bahagi ng driver’s seat ang larawan ng mga kandidato habang ang iba ay nasa harapan ng tricycle.

Ayon kay Election Officer Josephine Macapas, wala naman umano siya’ng natatanggap na reklamo hinggil dito.

Sinabi ng opisyal na bago pa lamang siya sa Kabacan, kaya di pa niya nalilibot ang mga lugar at pinafamiliarize pa nito ang mga dokumento.

Una ng sinabi ni COMELEC North Cotabato Acting Provincial Election Supervisor Atty. Kendatu Lagialam na hindi pinapayagan ang mga pampublikong sasakyan na maglagay ng election paraphernalia.

Bawal raw ito alinsunod sa COMELEC Resolution No. 9615 o ang Fair Elections Act.

Kaugnay nito, maaaring sampahan ng reklamo at kaukulang kaso ang mga indibidwal na patuloy na susuway sa naturang polisiya. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento