NEWS UPDATES

Fact-Finding Committee, di makakarating ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Hindi pa nakukumpleto ang binuong Fact Finding Committee dahilan kung bakit di makakarating ang mga ito ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao o USM Main campus.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong tagapagsalita ng raliyesta.

Sinabi nito, na nagbago ang numero ng FFC team.

Aniya, dapat ay tatlong personahe ang bubuo sa nasabing team kasama ang dalawang secretariat, pero hanggang ngayon ay di pa ito nakumpleto, ayon kay dela Torre.

Umaasa kasi sila na darating ngayong araw ang nasabing team.

Ayon sa tagapagsalita, kailangan pa munang i-meet ni chairman Ruperto Sanggalang ang binuong team bago ang gagawing pagsisiyasat sa USM. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento