NEWS UPDATES

COTELCO-PPALMA Management humingi ng paumanhin sa mga konsumidores nito


(Midsayap, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Dahil sa nararanasang ‘rotational brownout’ partikular sa mga bayang siniserbisyuhan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO-PPALMA ay humingi ng paumanhin ang pamunuan ng kooperatiba sa mga konsumidores nito.

Ipinahayagag ni COTELCO- PPALMA OIC Manager Felix Canja ang ‘sincere apologies’ ng kooperatiba dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente para sa distrito uno ng North Cotabato, ito ayon sa report ni DXVL PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.


Sa layunin umano nilang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo ay hindi nila ito magawa dahil sa lumalaking kawalan ng ‘electrical energy supply’ na pwedeng magamit.

Sinisikap naman umano ng COTELCO-PPALMA na maserbisyuhan ng mahusay ang mga konsumidores nito kahit pa man limitado ang kuryenteng pwedeng magamit.

Hinikayat naman ni Canja ang mga konsumideros na unawain ang kalagayan ngayon ng krisis sa kuryente dahil may mga nakalatag nang paraan upang matugunan ito.

Samantala, dumalo ngayong araw ang mga kinatawan ng COTELCO-PPALMA sa isang pagpupulong sa Cagayan de Oro City.

Pag-uusapan umano dito ang mungkahing solusyon ng Department of Energy na bumili ng naglalakihang generator sets upang punan ang kakulangan ng energy supply sa Mindanao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento