NEWS UPDATES

2 resolution; ihahain sa SB Kabacan hinggil sa Peace and Order ng bayan


(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Matapos ang ilang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan ng Kabacan, naghain ngayon ng dalawang resolusyon ang miyembro ng Municipal Peace and Order Council sa isinagawang executive meeting kaninang umaga.

Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong ang pagbubuo ng Task force na tututok sa mga krimen sa bayan.

Ito ang ginawang hakbang ni Kabacan Mayor George Tan para maibsan kung di man tuluyang matuldukan ang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan kagaya ng patayan, nakawan, hold-up at iba pa.

Katuwang ng opisyal sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bayan ay ang may bahay nito na si dating Mayor Luzviminda Tan na itinalagang Peace ambassadress.

Nababahala na kasi ang opisyal sa unstable na peace and order situation sa Kabacan lalo na ngayon papalapit ang eleksiyon sa Mayo a-13.

Bukod sa unang nabanggit, isinusulong din ng Unang Ginang ang Covenant Signing sa tatlong Mayoralty Candidate ng Kabacan sa tulong ng Comelec, PNP at AFP para tiyaking maayos, malinis at mapayapa ang darating na halalan.

Pabiro pang sinabi ng First Lady na upang malaman sa tatlong kandidato bilang mayor kung sinu ang totoo o tunay na lalaki. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento