Kinilala ng Matalam PNP ang mga biktima na
sina Daniel Hermo Simon, 53 at Felixberto Badayos kapwa residente ng Old PC
Baraacks, Sudapin, Kidapawan City.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan
nangyari ang insedente ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Vilma
Balajadia na nasa Purok 1 ng nabanggit na lugar.
Tinatahak umano ng mga biktima ang kahabaan
ng National Highway sakay sa Isuzu Hilander kulay berde na may plate number LDG
620 lulan ang kasamang pasahero na nakilalang sina Nain Geroche at Rey Badayos
residente din ng nasabing lugar ng pinagbabaril ang mga ito gamit ang mataas na
kalibre ng baril.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdin si Badayos
habang pitong tama naman ng bala ang tumama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni
Simon na mabilis namag isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit ilang
sandali lamang ay binawian na rin ito ng buhay.
Di naman nasaktan ang dalawang mga pasahero,
ayon sa report.
Agad namang ikinasa ng Matalam PNP ang hot
pursuit operation para sa ikadarakip ng suspek pero nakatakas ang mga suspek sa
di malamang direksiyon.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo
ng kalibre .45 na pistol.
Sa ngayon inaalam pa ng Matalam PNP kung anu
ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick BeƱez/DXVL News)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento