NEWS UPDATES

18-anyos na dalaga; huli sa Pikit, Cotabato dahil sa sugal


(Pikit, North Cotabato/ April 19, 2013) ---Huli ng mga otoridad ang isang 18-anyos na dalaga makaraang masangkot sa illegal na sugal sa Poblacion, Pikit, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Janice Rodrigues, walang asawa at residente ng Brgy. Silik ng nabanggit na bayan.

Nakuha mula sa suspek ang ilang mga gambling paraphernalia’s at cash na tinatayang abot sa P1,680.00

Nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon kontra illegal na sugal na sinasabing games of chance na mas kilala sa tawag na last 2 at last 3.

Sa ngayon, inihahanda na ng Pikit PNP ang kasong isasampa kontra sa suspek. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento