NEWS UPDATES

Lalaki binaril ang ka-live-in sa Kidapawan city; patay


(Kidapawan City/ March 7, 2013)---Patay ang isang Jocelyn Guabong makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-live-in partner na kinilala lang sa pangalang alyas Larry sa Kidapawan city alas 1:30 ng madaling araw nitong Martes.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Kidapawan City PNP sa pamumuno ni Supt. Joseph Semillano nag-iinuman pa umano ang biktima at ang suspek sa kanilang balutan sa harap ng Dacara Clinic na nasa Quezon Boulevard sa nasabing lungsod.

Pero nagakaroon ng argumanto ang dalawa at humantong sa mainitang pagtatalo at nauwi sa pamamaril sa kanyang ka-live-in partner.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa ospital subalit ideneklarang dead on arrival.

Agad namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos ang nasabing insedente.
Subject for manhunt na ngayon ng pulisya ang suspek. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento