NEWS UPDATES

Isang motorsiklo sa Carmen, Cotabato; ninakaw!



(Carmen, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Ninakaw ang isang motorsiklo na pag mamay-ari ni Areston Farael, nasa tamang edad at resident eng Sitio 29, Brgy. Malapag Carmen, Cotabato.

Ayon sa report, pinarada umano ng nag ngangalang Dondon Nanal, 29 anyos, Magsasaka at residente ng nasabing lugar, sa isang Kooperatiba sa nasabing bayan, ng balikan ay wala na.

Ayon sa nakakita ng nasabing insedente, dalawang lalaki umano ang tumangay ng nasabing motorsiklo.


Batay sa blotter log-book ng Carmen PNP, ito ay pang-limang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa naturang bayan simula buwan ng enero, pero ni isa wala pang narekober ang  mga otoridad. Janice Fernandez, DXVL news!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento