NEWS UPDATES

Sapat na Kalusugan sa Pagtatapos ng Suplemental Feeding Program sa 24 brgy; siniguro ng MSWDO-Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2013) ---Tiniyak ngayon ng Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office ang sapat na kalusugan sa pagtatapos ng Suplemental Feeding Program ngayong ika 18 sa buwan ng Pebrero para sa 53 Day Care Centre sa 24 brgy sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat na ang nasabing programa ay sinimulan noong Hulyo 13 nito lamang nakaraang taon kung saan may kabuuang 120 araw o katumbas na 6 na buwan ang nasabing programa.


Dagdag pa ni Macalipat, layunin ng programa ang maibsan ang malnutrition na isa sa mga pangunahing problema na karamihang tumatama sa mga bata partikular sa mga day care children.

Kabilang sa nabahaginan ng tulong ng nasabing programa ay ang may pinakamaraming bilang ng estudyante sa mga brgy ng Lumayong Block 2 DDC na may bilang na 58 number of enrollees, Purok Masagana DCC na may bilang na 55 number og enrollees, Purok Kapayapaan DCC na may bilang na 48 number og enrollees at sa iba pang day care centre sa naturang lugar.

 Ang nasabing programa ay namahagi ng mahigit kumulang 365 sako ng bigas para sa 24 na mga brgy sa bayan.

Ang nasabing programa ay may kabuuang budget na P1,896,000 mula buwan ng Hulyo hanggang Pebrero na donasyon mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Manila. (Randy Yap, DXVL News)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento