NEWS UPDATES

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Kabacan Public market; muling sisilipin ngayong araw


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Sa pagpapatuloy ng monitoring ng presyo sa Merkado Publiko ng Kabacan, nanatili parin sa dating presyo nito ang mga pangunahing bilihan bagamat may kaunti paring paggalaw sa ilang mga presyo nito.

Ang Beef Meat ay nasa P180-200/ kilo at buto P190/ kilo.


Habang ang Chorizo naman ay nasa P60 bawat dosena.

Sa mga isda naman, ang Bangus ay nasa P60-65 ang kalahating kilo, Lupoy P30, Galunggong P50-60, Budburon  P60, Tamban P30 at P35 naman ang hipon bawat kalahating kilo.

Ang itlog naman ay nananatili parin sa dating presyo nito na P4-5 kada isa.

Nasa P42 naman ang bawat kilo ng mantika at meron pabentang tingi na tag P5, 10 at 20 pesos. (Angelo Traya DXVL news)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento