NEWS UPDATES

Panibagong nakaw motorsiklo; naitala ng Carmen PNP


(Carmen, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Ninakaw ang isang motorsiklo sa brgy. Liliongan, Carmen Cotabato, kamakalawa.

Ayon sa Carmen PNP, ninakaw umano ng di pa nakikilalang suspek ang single XRM na pagmamay-ari ni Mahaymen Salanggao, 24 yrs. Old may asawa at residente ng nabanggit na lugar. 

Ayon sa biktima, iniwan umano nito ang motorsiklo sa kanyang uncle na nagngangalang Ismail Kambat dahil sa lakas ng ulan dahilan upang ito’y mahirapang dumaan.

Pagkalipas ng ilang sandali babalikan umano nito ang motorsiklo ng mapagtanto nitong ito’y nawawala at pinaniniwalaang ninakaw ng di matukoy na salarin.

Sa ngayon, ito ang pangatlong naitala na insidente ng nakawan ng motorsiklo simula pa noong Enero taong kasalukuyan. 

Sa kasalukuyan, patuloy parin ang imbestigasyon sa nasabing insidente. (PEARL LANDRITO, DXVL News)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento