(Matalam,
North Cotabato/ February 1, 2013) ---Tensyunado ngayon ang lupaing pag-aari ng
isang pribadong indibiduwal sa Sitio Kaya-kaya, Brgy. Marbel sa bayan ng
Matalam, North Cotabato makaraang pasukin ng mga di pa matukoy na grupo ang
lupain.
Ang
nasabing Farm ay pagmamay-ari ni Danilo Estabillo Ruiz, 60 anyos, may-asawa at
residente ng nabanggit na lugar.
Ayon
sa inisyal na imbestigasyon ng Matalam PNP, abot sa 80 ektarya ng lupain na
pag-aari ni Ruiz ang nais kamkamin ngnasabing grupo.
Dahil
sa ayaw ibigay ng may-ari ang nasabing malawak na lupain nito, muling binalikan
ng di pa matukoy na grupo ang lugar alas 7:00 kagabi.
Hindi
pa makuntento ang sampung mga kalalakihan na di pa mabatid ang pagkakakilanlan
ay kanilang pang ni-sprayhan ang biktima gamit ang di pa matukoy na kemikals.
Sa
ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP kung anu ang ugat ng
nasabing gulo. (Randy Yap, DXVL News)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento