NEWS UPDATES

Lalake sugatan sa ulo, matapos mabato ng billiard ball ng isang lasing sa Carmen, North Cotabato



(Carmen, North Cotabato/ February 5, 2013) ---Sugatan sa ulo ang isang lalaki  nitong linggo ng hapon matapos batuhin ng billiard ball ng isang lalaking lasing sa isang Billiard Hall, Sitio Kurbada , Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Zalde Gornez,34y/o magsasaka at ang nambato na si Jonathan Ybanez, isa ring magsasaka at parehong residente ng Barangay Kimadzil, Carmen.

Ayon sa pulisya, bukod sa lasing itong si Ybanez ay nagkaroon pa diumano ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa bago pa man mangyari ang kanyang pambabato.

Inaareglo naman ngayon ng dalawang kampo ang naturang kaso. (Chriss Corpuz, DXVL NEWS!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento