NEWS UPDATES

30 Motorista, huli sa Highway Inspection sa Kidapawan City!

(Kidapawan City/ February 1, 2013) ---Umaabot sa 30 motorista ang nahuli sa Kidapawan City Highway Patrol Group sa isnagawang highway inspection sa mga daanan sa nasabing bayan dakong alas onse ng umaga, kahapon.

Ayon kay City Police Director Joseph Semillano ng Kidapawan City PNP, ang paghuli sa mga motorista ay naayon sa hindi nila pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng kapulisan sa kampanyang no helmet, no plate, no travel policy.

Dagdag pa aniya, ang mga naunang naganap na krimen sa bayan gaya ng pagpatay ay gawa umano ng mga riding-in-tandem na walang mga plaka. 

Sa ngayon, hindi umano titigil ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng mga batas sa bayan lalong lalo na ngayong papalapit na eleksiyon. Debby PiƱero, DXVL News!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento