NEWS UPDATES

Tulak droga; arestado sa isang buybust operation sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Arestado sa pamamagitan ng buy-bust operation ang isang tulak droga partikular sa Kamayan Place, USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Moksim Ampatuan Palot na residente ng Datu Montawal, Maguindanao.
Nanguna sa nasabing operasyon ang PDEA 12 sa katauhan ni Agent Alvin Ramos kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP.

Nakuha mula sa posesyon ng suspek ang isang piraso ng malaking heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at isang maliit na plastic heat sealed sachet at isang P500 marked money.

Sa ngayon, kulungan ang bagsak ng nasabing suspetsado. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento