NEWS UPDATES

P13.5 M infrastructure projects, ipapatupad sa bayan ng Pikit


(Pikit, North Cotabato/ January 22, 2013) ---Nakatakdang ipatupad sa bayan ng Pikit, North Cotabato ang abot sa 13.5 milyong pisong proyektong pang- imprastraktura para sa taong 2013.

Ito ang nakasaad sa dokumentong inilabas ng opisina ng 1st Congressional District kung saan inilagak ang malaking bulto ng PDAF o priority development assistance fund sa pagsasaayos ng mga kalsada sa nasabing bayan.

Ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, Kabilang dito ang concreting of roads sa mga barangay ng Punol, Fort Pikit, Pamalian, Ginatilan at ang Datu Piang- Poblacion High School road.

Isasaayos din ang mga kalsada sa barangay ng Paidu Pulangi, Nunguan, Balong at Bualan.
Itatayo naman ang tig- iisang multi- purpose building sa Barangay Inug- ug at Barangay Poblacion Pikit.

Sisimulan ang implementasyon ng proyekto sa lalung madaling panahon kasama ang Department of Public Works and Highways Cotabato Second Engineering District, lokal na pamahalaan ng Pikit at iba pang stakeholders. (Roderick Bautista)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento