NEWS UPDATES

Manifesto, inilabas ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2013) ---Kasabay ng isinagawang prayer rally ng mga estudyante, faculty, staff at mga key officials ng University of Southern Mindanao ay inilabas rin nila ang kanilang manifesto hinggil sa kung anu ang stand ng Pamantasan sa nasabing isyu.

Ang nasabing manifesto ay binasa ni USM Academic Support Association President Dr. Leonora Manero, University Board Secretary kungsaan nakasaad ditto ang kanilang ninanais para sa ikatatag ng USM laban sa anumang politically motivated na isyu.

Nagbigay naman ng mga mensahe ang ilang mga dean, director at stakeholder ng pamantasan sa Presidente upang siya ay magpokus lamang sa kaniyang ginagawa at huwag problemahin ang pinagdaraanan ngayon ng unibersidad.

Tinapos naman ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng kantang kapayapaan at pagpirma ng mga sumasang-ayon sa manifesto sa inihandang higanteng kopya nito na inilagay sa entablado.

Samantala, narito ang bahagi ng manifesto ng USM na binasa ni Dr. Manero. (John Ancheta)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento