NEWS UPDATES

39-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa bayan ng Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ January 14, 2012) ---Patay ang isang 39-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa Sitio Malugasa, Carmen, North Cotabato alas 10:30 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni P/CInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Jessie Palencia, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na report, sa tama ang ulo ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober naman sa crime scene ang isang empty cartridge gauge ng shotgun na ginamit ng suspek sa pamamaril.

Sa ngayon isa sa mga anggulong tinitingnang motibo ng mga pulisya ay personal grudge habang ini-estbalish pa nila ang totoong motibo sa pamamaril. (Chriss Corpuz)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento